Demokrasya
Ano ba ang tunay na kahulugan ng demokrasya? Ano ang papel nito sa bansa
para ito’y mas lalong umunlad? Paano ito nabuo at patuloy na ginagamit sa
pamahalaan ng bansang Pilipinas. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayroong isang
demokratikong pamahalaan. Paano kaya ito nakaka-apekto sa uri ng pamahalaan na
mayroon ang Pilipinas?
Ang tunay na kahulugan ng demokrasya ay ang pamahalaan ng mga tao. Ang
salitang demokrasya ay nag mula sa griyegong salita na demos na ang ibig
sabihin ay mga tao at sa salitang kratos na ang ibig sabihin naman ay paghahari
o pamamahala. Ayon sa dating president ng amerika na si Abraham Lincoln na ang
demokrasya daw ay ang pamahalaan ng tao, sa pamamagitan ng tao, para sa mga
tao. Ang demokrasya ay mahalaga para sa
ating lahat sapoagkat ito ay ang pundasyon ng ating pagkakaisa. At ito rin ang
nagtatatag ng kalayaan ng ating bansa. Ang paghahangad ng pantay pantay na
oportunidad para sa sambayanan ang nagsisilbing puwersa upang magpatuloy ang
Pilipinas sa ilalim ng gobyernong nakasentro sa demokrasya. Upang tuluyang
masabing demokratiko ang ating bansa kinakailngan ng poantay na partisipasyon
mula sa mga tao pagdating sa paghahalal ng mga lider, pag gawa ng mga batas, at
pagdedesisyon para sa mga bansa. Ang Pilipinas ay hindi masasabing matagumpay
sa pagiging isang ganap na demokratikong bansa dahil kailangan pang matutunan
ng mga tao ang papel na kailangan nilang gampanan upang makamit ang pagkaka
pantay pantay.
Upang ang Pilipinas ay masabuing isang matagumpay na demokratikong bansa
kinakailangang ang mga mamamayan ditto ay magkaroon ng pagkakaisa at mabawasan
ang mga korap na gobyerno upang wala ng pilipinong nagugutom, walang tirahan,
at nag hihirap sa bansang Pilipinas.