Huwebes, Nobyembre 3, 2016

Demokrasya



Demokrasya

               Ano ba ang tunay na kahulugan ng demokrasya? Ano ang papel nito sa bansa para ito’y mas lalong umunlad? Paano ito nabuo at patuloy na ginagamit sa pamahalaan ng bansang Pilipinas. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayroong isang demokratikong pamahalaan. Paano kaya ito nakaka-apekto sa uri ng pamahalaan na mayroon ang Pilipinas?

               Ang tunay na kahulugan ng demokrasya ay ang pamahalaan ng mga tao. Ang salitang demokrasya ay nag mula sa griyegong salita na demos na ang ibig sabihin ay mga tao at sa salitang kratos na ang ibig sabihin naman ay paghahari o pamamahala. Ayon sa dating president ng amerika na si Abraham Lincoln na ang demokrasya daw ay ang pamahalaan ng tao, sa pamamagitan ng tao, para sa mga tao.  Ang demokrasya ay mahalaga para sa ating lahat sapoagkat ito ay ang pundasyon ng ating pagkakaisa. At ito rin ang nagtatatag ng kalayaan ng ating bansa. Ang paghahangad ng pantay pantay na oportunidad para sa sambayanan ang nagsisilbing puwersa upang magpatuloy ang Pilipinas sa ilalim ng gobyernong nakasentro sa demokrasya. Upang tuluyang masabing demokratiko ang ating bansa kinakailngan ng poantay na partisipasyon mula sa mga tao pagdating sa paghahalal ng mga lider, pag gawa ng mga batas, at pagdedesisyon para sa mga bansa. Ang Pilipinas ay hindi masasabing matagumpay sa pagiging isang ganap na demokratikong bansa dahil kailangan pang matutunan ng mga tao ang papel na kailangan nilang gampanan upang makamit ang pagkaka pantay pantay.

               Upang ang Pilipinas ay masabuing isang matagumpay na demokratikong bansa kinakailangang ang mga mamamayan ditto ay magkaroon ng pagkakaisa at mabawasan ang mga korap na gobyerno upang wala ng pilipinong nagugutom, walang tirahan, at nag hihirap sa bansang Pilipinas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento